Nay

Nung dinalaw kita sa ospital, ang higpit ng hawak mo sa kamay ko at hindi mo ako binitawan. Hindi mo ako kinakausap. Nakatingin ka lang sa akin at pinabayaan kong hawakan mo ko hanggang sa makatulog ka.

Kung alam ko lang Nay na yun na ang huling beses na makikita kitang gising, sana Nay hindi na ako umalis sa tabi mo. Mahal na mahal na mahal kita. Iniisip ko na hindi totoo ang lahat kasi hindi ko ma-imagine na wala ka. Wala nang nakadungaw sa bintana pag dadating ako sa bahay. Wala nang hihingi ng pasalubong at magtatanong kung saan ako nanggaling. Wala nang magsasabing kumain ako kahit kakatapos ko lang kumain.

Mahal na mahal kita Nay. Hindi ko inasahan ‘to. Akala ko katulad lang ng regular hospital visits mo ‘to. Sabi nila nung isang Sabado, pwede kang operahan pero pwede ring antibiotics na lang. Sabi nila, lalabas ka na sa susunod na linggo. Pero Nay, bakit ganon? Bakit nung Linggo, hindi ka na nagsasalita at all? Bakit ang bilis na-damage ng sakit mo ang organs mo? Di ba strong ka? Na-survive mo nga yung major operation mo three years ago eh. Tapos nag-therapy ka pa. Umayos ulit ang kondisyon mo. Nay, bakit bigla na lang wala na? Wala ka pang isang linggo sa ospital eh. Dadalawin pa kita.

Sobrang hindi na ko mapalagay nung sinabi nila na nagf-fail na yung organs mo, pero yung puso mo lumalaban pa. Fighter ka eh. Kaya alam ko, makikita pa kita. Bakit pagdating ko, wala ka nang malay? Bakit nila sinasabi na antayin mo na lang si Ninang? Bakit parang sumuko na sila?

Alam ko nasa better place ka na. Pero hindi ko pa rin ma-imagine na wala ka. Sana narinig mo ko nung last two days mo. Nung niyakap kita, umaasa ako nun na yayakapin mo rin ako. Thankful rin ako na andoon ako sa tabi mo hanggang sa huli, pero sobrang in denial pa ata ako non. Nay, parang tulog ka lang. Umaasa ako na gigising ka pa.

Alam ko nahihirapan ka na pero ikaw kasi ang dahilan kung bakit lagi kaming nagl-look forward sa pasko, sa birthday mo, sa new year. Kasi masaya yun. Masaya yun kasi andon ka at masaya ka.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak. Hindi ko kaya. Ayoko eh. Ayoko na wala ka. Mahal na mahal kita Nay. Lagi kitang iniisip. Sobrang na-guilty ako nung umuwi ako one time tapos tinanong kita kung kumusta ka, ang sabi mo “longing for you.” Naiyak ako ng sobra. Alam mo naman na namimiss rin kita. At mas lalo kitang mamimiss ngayong wala ka na. Sana hindi totoo. Sana panaginip lang.

Mahal na mahal kita Nay. Maraming maraming salamat. Iniisip ko minsan pag may problema ako, uuwi lang ako at kakausapin kita. Pero pag kasama kita, hindi ko naman naiisip yung problema. Naiisip na lang kita, anong pwede nating gawin. Masaya ko kapag nasa mood ka lumabas kaya nakakatuwa na minsan sumama ka samin mag-agahan sa Tagaytay, kahit na alam ko nahihirapan ka na kapag malayo yung lugar. Kahit hindi ka naman nakakakain ng maayos. Salamat Nay kasi ikaw yung nagbubuklod sa amin. Ikaw yung dahilan bakit kapag magkakaaway ang mga anak mo, nagkakaayos rin sila. Kasi andyan ka. Kasi ikaw yung mahalaga.

Pakiramdam ko hindi sapat yung huling halik at yakap ko sayo. Kasi Nay, lagi ko yung ginagawa pag nagkikita tayo. Pero pagkatapos nito, hindi na kita makikita ulit. Pero masaya ko para sa’yo. Kasi wala nang pains. Hindi ka na sisigaw nang malakas na “aray” tuwing binubuhat ka. Makakasama mo na si Tatay after so many years. Magiging mas masaya ka don. You deserve that. You lived a full life.

Ang dami kong feelings pero hindi ko alam paano sasabihin lahat. Basta Nay, sobrang mahal kita. Maraming maraming salamat sa pagmamahal, pagaasikaso, sa magagandang alala, sa patuloy na paglaban kahit nahihirapan ka na.

I love you. I love you. Miss na miss na kita.

Advertisements

One Comment Add yours

  1. I… hope you’re feeling alright.

Thanks for reading! Let me know what you think. :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s