Because we just clicked! <3

“Funny how sometimes you meet someone and there’s an instant connection. I knew I could trust you immediately with my innermost thoughts and feelings, that you’d protect them like your own. Over time, you’ve become more of a sister than a friend, being there not only to laugh but to hold my hand when times get difficult.”

Dear Gel,

THIS IS IT. CONGRATULATIONS!!!

Hindi ko inexpect ang lahat… ang sobrang sayang block natin, ang award sa solemn investiture, ang sobrang memorable na college life, at ang magkaroon ng best friend. :”> Dati, ang best friend sa akin, basta kung sinong tao lang yung palagi kong kasama at kakwentuhan ast super kasundo ko, kaya nga nagkaroon ako ng best friends na katauhan nina Michiko at Robin. Pero pagkatapos nila, ang tingin ko na lang sa ibang tao, close friends, favorite friends. Para kasing ang hirap pala talaga i-define ng “bestfriend”. Parang wala naman taong ganun. Sa movies, sila yung mula pagkabata magkakilala na… magkasama… pareho ng schools… may tree house at kung anu-ano pa. ‘Di ko akalain, sa loob lang ng apat na taon sa UST, magkakaroon ako ng best friend sa katauhan mo. Shet. Naiiyak ako, seryoso. Hahaha. :)) Thank you Gel. Thank you kasi di ko akalain na magkakaroon ako ng kaibigang katulad mo… sobrang totoo, sobrang halos wala akong maitago. Yung tipong pag naiisip ko ang college friends, ikaw yung una. Parang ang galing lang ng fate na kung sino yung una kong college friend, eh sya rin yung magiging college best friend ko. Ang rare e, pero ang galing. Sooobrang thankful ako kay God. Siguro kung wala ka, hindi naging madali ang transition ko from high school to college… siguro hindi naging bearable yung school works na sobrang tindi, at mga problema na para bang wala nang solusyon. Dahil sa’yo, meron akong feeling na di ako maiiwan… di ako male-left out kahit sinong tao yung makasama ko, kahit saang lugar ako mapunta, kasi alam ko may babalikan ako… may isa akong kaibigan sa katauhan mo. Ohmygod Gel. Ohmygod talaga. Sobrang laki ng ginampanan mong part sa buhay ko na halos di ko maexplain. Naintindihan ko na ngayon kung ano ba talaga ang best friend. Wala pala talaga yun sa tagal ng panahon. Wala rin sa bilang ng mga lakwatsa, at tampuhan. Basta yung feeling na ang genuine talaga na di mo maipaliwanag basta na lang masaya ka at forever thankful ka. Thank you, Gel, Sa apat na taon na magkasama tayo sa kung anu-anong bagay. Alam mo na yun. Ilang ulit na rin nating paulit-ulit binabanggit sa isa’t-isa. Alam mo rin na sa tuwing merong bagay na bumabagabag sa akin, ikaw ang una kong naiisip kasi kahit minsan di ka nagre-react o tinatawanan mo lang ako o kino-comfort mo ako, yung tipong ma-share ko lang sayo feeling ko gumaan na yung problema ko. Ang priceless lang. Sobra.

Hindi ko alam kung paano na after college. Malamang magkaroon na tayo ng sari-sariling trabaho. Pero forever tayo Gel. Yuck. Kala mo magkarelasyon eh, no? HAHAHA. Anim na taon man ako sa elementary at apat na taon sa high school, di pa rin nun mapapantayan ang apat na taon na pagsasama natin sa college kung saan pinakilala mo sa akin ang mukha ng tunay na kaibigan at pinaramdam mo sakin ang pagmamahal ng tunay na kaibigan. Thank you, Gel. Sobrang sobrang thank you. Alamoyan. Basta lagi mong tatandaan, saan man tayo mapadpad, mag-asawa ka man o hindi, andito pa rin ako palagi… azzin forever and ever para sayo. Sobrang strong at unique ng personality mo na nagawa mo kong ma-inspire, mapasaya, mapaiyak at mapagmukhang baliw. Good luck sa world of work. Keep in touch pa rin. Ohmygod. I’ll miss college so much, and I’ll miss it a little too much because of you. I love you Gel, forever! Balitaan moko pag nakalipat na kayo ng bahay… pag nakapagtrabaho ka na… pag sayo na sa Stewie (tama ba spelling?)… pag nakakilala ka na ng “man”… pag nakapagpa-braces kana… or basta pag wala lang! Congratulations. I’ll miss youuuuu talagaaaa! Love yooooou! ❤

"I like remembering some of the things we've done together. It's nice to reach back into the past we've shared, recalling funny moments as well as the more serious times we've helped each other through. Sometimes, I think we could keep going for days with our 'remember whens' and all of the feelings that go hand in hand with each memory. That's the kind of friendship we've shared all those years. And with each passing day, you and all those wonderful memories mean more and more to me."

Advertisements

One Comment Add yours

  1. sheeatslikeaboy says:

    Hoy grabe. Surprise naman ‘to. Akala ko tungkol sa block natin or something… grabe, I hate you kasi pinaiyak mo na naman ako!!! HAHAHAHAHA

    Pero grabe. The feeling is so mutual. Haha, I love you forever at alam na alam mo yan. Good luck din sa buhay. Sana matupad mo na rin mga gusto mo ma-achieve. Lagi kitang pinagpra-pray. Pero I know you’ll do well naman! 🙂

    Basta, let’s stay connected. Ito talaga yung “walang kalimutan” na drama natin. Hihi. Salamat dahil naging malaking parte ka rin ng college life at life ko na mismo. Haha. I love you forever ever, Claire! :*

Thanks for reading! Let me know what you think. :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s