Coffee’s Like a Serious Boyfriend

It is too hard to let go.
But it’s possible.

Hindi na talaga ko natutuwa. Ang pag-inom ng kape ay nakagawian ko na. Tuwing umaga, umiinom ako nito. Kung walang kape sa bahay, magma-Mcdo akon o kaya Jollibee. Mabibilang mo ang araw na di ako umiinom ng kape, at ang kadalasang dahilan ay late na ko at walang oras maghanda para sa sarili ko. May mga pagkakataong nagc-crave lang ako na tila ba isang comfort beverage ang kape. Minsan pag may pera, dumadayo pa ko sa Starbucks at Coffee Bean. May nabasa ako dati na mas nakakaadik pa ang kape kesa sa yosi. Totoo to sakin, pero mas naging madali sakin bitawan to. (Although di naman ako nagyoyosi kasi. So di ko rin alam)

Pero ito talaga ang dilemma ko ngayon. Given ang panggabi naming class schedule at sandamukal na school works, nasanay na ang katawan ko na gising hanggang madaling araw. At sorry, dahil di ko kailangan ang kinaadikan kong kape para maging mulat, katulad ngayon na alas kwatro y medya na ng umaga. Kaya ko e. Di ko alam kung pano, pero siguro nakasanayan ko na. Sobrang gusto kong uminom ng kape, pero natatakot ako na baka di ako lalo makatulog, ngayon pang marami akong dapat magawa mamaya at hanggang ngayon ay di pa ako dinadalaw ng antok. Hindi na ako natutuwa. Gusto ko mag-pills, pero natakot ako dahil sa isang kakilala ko na sumubok uminom at nag-hallucinate. Natatakot rin akong biglang antukin sa kalagitnaan ng masinsinang pag-aaral o mga gawaing pampaaralan. Pero naaawa na talaga ko sa sarili ko. Wala na talaga kong magawa para baguhin ang sistema ko. Gustung-gusto ko matulog, sino bang hindi? Pero gusto kong makatulog naman ako sa oras. Naf-frustrate ako kapag tumitingin ako sa orasan at madaling araw na. Masyado na kasi akong nasasanay na hindi natutulog. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas kami magtalo ng nanay ko dahil di nya maunawaang di talaga ako makatulog kapag gabi. Ang hirap kaya. Wala lang. Ayoko na kasi ng ganito. Naaawa na lang rin ako sa sarili ko kapag napapaharap ako sa salamin at nakikita ang naglalakihang maiitim na eye bags, mangilan-ngilang pimples at black heads. Bukod pa dun, dahil sa sleep deprivation ko, minsan sa kalagitnaan ng araw eh nakakatulog ako ng sobrang himbing. Sobrang takaw ko sa tulog, pero wala naman sa lugar. Nakakainis.

Hay. Sobrang nami-miss ko na ang normal na tulog. Sobraaaaa sobraaa.

Advertisements

Thanks for reading! Let me know what you think. :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s