Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan?

on

“Kung di ka magmamahal at masasaktan, hindi ka maggo-grow” – Paul Quiambao.

Nag-uusap kami ni Paul. Kalokohan lang nung una. Mga tipong Arki-Journ na relasyon. Kasi nga, minsan na siyang na-inlove sa isang taga Journ. At ako naman, dalawang ulit nang nagkagusto sa Arki. Nakakaloka. Sa lahat ng nagustuhan kong lalaki, si Arki lang naman talaga ang masasabi kong kaya kong ipagmayabang. Kahit pa high school lang kami noon, hindi naman kami naging masyadong marupok at sa bandang huli, kahit sa huling saglit ng relasyon namin bilang magkasintahan, ang naging dahilan ay ang kagustuhan niya na magkaroon kami ng mas maayos na kinabukasan. Kung sa edad namin yun, maaaring masyadong mababaw lang na dahilan ang mababang marka para maghiwalay. Pero inisip niya na kung wala akong ibang prayoridad sa buhay, na ang katumbas ay siya at ang aming relasyon, baka mas maging matagumpay ako sa mga kahaharapin ko.

Aaminin ko na hindi naging madali sa akin. Una sa lahat, siya ang naging inspirasyon ko. Pero sa bandang huli, nagpapasalamat ako sa mga ginawa niya para sa akin at sa oras na inilaan niya, na halos apat na taon, para makasama ako. Matagal tagal din bago ko naisip na maging interesado sa iba. Ano bang laban natin sa first love?

Eto na nga yun. Siguro, ang relasyong yun ang naging pangmulat ka sa tunay na sitwasyon ng batang pag-iibigan. Nakulong na kasi ang mga tao sa nosyon na “masyado pang bata para ma-inlove ang mga high school”. Minsan naisip ko rin na totoo ito. Pero may mga pagkakataong, hindi ako sumasang-ayon. Simple lang. Dahil bata pa kami nun, at nagkaroon ako ng maayos na pundasyon, mas naging wais ako sa mga desisyong ginagawa ko sa hinaharap, partikular na sa magulong mundo ng pag-ibig.

Maaaring nagkagusto na ako sa aking matalik na kaibigan, o sa isang katrabaho na mas bata sa akin nang ilang buwan. Maaaring sumabak na ako sa isang “lokohan” na relasyon, at nagbalak na magseryoso sa isang gwapo na wala namang pangarap. Pero hindi pa rin ito sapat para masabi kong marami na akong pinagdaanan. Siguro kaya ang nakaraang apat na iyon ay di ko maikunsidera na pag-ibig ay dahil sa katotohanang ipinatikim na sa akin ni “Arki” (“J” sa nakaraang posts) ang isang relasyong may pangarap. Bata pa kami, at nangangarap. At sa bandang huli, ang pangakong namutawi sa aming ala-ala ay ang sabay naming pag-asa na balang araw, maaaring kami pa rin ang para sa isa’t-isa, at sa pagkakataong iyon, may kani-kaniya na kaming trabaho, at may nakamit na sa buhay. Maaari ring may karanasan na kami na mas magpapatibay sa amin.

Siya rin ang dahilan kung bakit mayroon akong partikular na panuntunan pagdating sa lalaki, na sa tuwing nagkakagusto ako sa isa ay nawawala rin naman. Mayroon siyang pangarap, at nagpupursigi sa pag-aaral. Alam niya ang papel niya sa pamilya, bilang anak nina Ama at Nanay, at bilang kapatid ni Kuya Dan. Hindi siya pabaya, at pinipilit matapos ang mga gawaing nakaatang sa kanya. Sa madaling salita, bagama’t di siya perpekto ay responsable siya sa kanyang buhay. Pero higit sa lahat, may pananampalataya siya. Isang tunay na pananampalataya.

J: Uuwi ako bukas.
Ako: Bakit? Di ba marami ka pang tatapusin.
J: Ang tagal ko nang hindi nakakasimba, pakiramdam ko, ang dumi dumi ko na.

Oo. Maaaring bahagya niyang nawaglit ang spiritwal na obligasyon, pero masasabi ko na isa siya sa pinaka-madasalin na taong nakilala ko. Araw-araw, habang kami pa, nagdadasal kami sa Diyos na sana tumagal kami. Siguro nga, isa sa katangian namin pareho ay yung kabilang kami sa organisasyon sa simbahan.

Hindi ko sinasabi na mahal ko pa rin siya. Ang pinupunto ko lang, hindi ko naman kasi ginusto na maging ganito akong kamanhid. Sa palagay ko lang, di ko naman kailangan ang buhay pag-ibig para sumaya. Umaasa ako na siguro balang araw, may makikilala rin akong isang responsable at malapit sa Diyos na lalaki. Hindi yung mas moody, mas conyo, at mas maarte pa sa akin. Kumabaga, a “man” and not a “boy”.

Balik sa sinabi ni Paul na kung di ka masasaktan, hindi ka maggo-grow. Nag-grow naman siguro ako. Kaya nga hindi na lang ako basta sabak nang sabak. Nagkaroon ako ng kaunting pamantayan, at mas minahal at nirespeto ko ang aking sarili.
Kung sakaling kakalibitin muli ng pag-ibig ang aking puso, ayos lang sa akin. Pero kung basta na lang siya haharap sa akin nang walang pasubali at gusto ay agad-agad ay makaramdam ako ng pagmamahal, sa palagay ko, mananatili na lang akong ganitong kamanhid.

Advertisements

Thanks for reading! Let me know what you think. :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s